Huling Sulat

I don’t get it. Minsan parang pinaglalaruan ka na lang ng tadhana. Yung tipong paulit ulit ulit na lang ang mga nangyayari sayo? The same classic story. Parang yung pelikulang Beauty and the Beast. Isang klasikong pelikula na ilang beses ng nagkaroon ng remake. Mapa-animation man o real life character. Pareparehong kwento, paulit-ulit pero magkakaibang tauhan at magkakaibang lugar. May slight differences pero pare-pare-pareho pa rin ng ending. Yung sakanila lang ay happy ending. Sa akin ay ewan.

Hindi ko alam pero para ba akong nakakahon sa isang sumpa na animo’y di ka makawala. Parang paulit ulit kang nagigising araw araw na alam mong mangyayari ulit yung mga nangyari kahapon. Wala na ba tong hinto? Nakakapagod. Ang lakas naman ng trip ng mundong ito. Lakas makadurog ng puso.

Alam mo ba yung pelikulang “Before I Fall”? yung nagigising siya ng paulit ulit sa parehong oras at nangyayari ulit ang mga nangyari kahapon? Gigising siya sa parehong oras at lahat ng mga kaganapan kahapon ay kapareho din ng ngayon. Misteryong di niya mabigyan ng sagot. Ang hirap nun. You are reliving a day in your life for multiple days. Weird.

Nagsimula tong taon na to na okay na ako eh. Pero bigla kang dumating. Ayun, parang isang panaginip nanaman ang buhay ko. Punong puno ng paru-paro ang sikmura ko na parang panaginip na ayaw ko ng magising. Pero siguro ganun talaga sa simula. Parang law of diminishing returns sa ekonomiks, yung mayroong punto na maglalagay ka ng maglalagay ng effort na magreresulta sa income ng negosyo mo. Pero pag naabot na niya yung rurok, kahit anong additional na effort ang ilagay mo, ang resulta ay magiging loss.

Siguro ganun din sa mga relasyon, may law of diminishing relationship, meron at merong punto na ang saya saya saya niyo pareho. Pero darating talaga sa punto na magdedecline lahat, parang sabi sa kanta, “it’s all downhill from here”. It’s just a matter of time.

At heto ako ngayon, balik nanaman kung saan ako nagsimula. Nakakapagod, nakakabanas, nakakalungkot, nakakasawa. Parang sa bawat isang hakbang paabante sa buhay ko, darating at darating ako sa puntong aatras ako ng dalawa o tatlo. Kelan ba ko uusad?

Ngayon lahat ng paru-paro sa tiyan ko ay nagsimatayan na. Wala na akong maramdaman. Kung sabagay short term lang naman ang buhay ng mga paru-paro.

Hmmmm.

Paano kaya kung sasabihin ko din to tulad ng sinabi nung tauhan sa pelikulang nabanggit?

“Maybe you can afford to wait. Maybe for you there’s a tomorrow. Maybe for you there’s one thousand tomorrows, or three thousand, or ten, so much time you can bathe in it, roll around it, let it slide like coins through your fingers. So much time you can waste it. But for some of us there’s only today. And the truth is, you never really know.”

Ang katotohanan, di mo nga naman talaga masasabi.

Ang alam ko lang ngayon. Pagod na ang puso ko. Ang dami-rami ng peklat. Di ko na alam ang susunod na gagawin.

Heto blangko. Blangko ang puso at isip.

Di makaramdam. Di makapag-isip.

Gusto ko na lang mapag-isa.

Advertisements

5 thoughts on “Huling Sulat

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s