Bakit Nga Ba Ako Single?

img_3368

Hindi ako makapagsimulang magsulat tungkol sa pagiging single ko. Ilang araw na din akong walang maisip na simula maliban sa pagpapaikot ng tanong sa isip ko na “bakit ako single?”. Dami kasing tanong ng mga tao, minsan nakakapagod ding sagutin. Kasalanan ba maging single? Bakit kasi yung mga single lang ang tinatanong? Bakit di nila tanungin ang may mga kasintahan? Kelan kayo magiging single? 🙂 Hahaha

Bakit nga ba ako single? Dahil ba malas ako sa lovelife? Pwede. Hmmmm. Ganito na lang, single ako dahil ako’y umibig, umasa, nangarap, iniwan, pinagpalit, nasaktan, napagod, nagpakasingle, naging photographer, nagtravel, namundok, nagbeach. Sige ganun nalang. 🙂

Siguro umabot na lang ako sa punto na napagod. Napagod sa paulit ulit na sakit na naranasan ko sa magkakaibang tao. Yung tipong sa bawat heart break na nararanasan ko para akong kandilang unti-unting nauubos hanggang sa wala na. Nawala na yung sarili ko, nawala na ako, nawala na yung dating ako dahil ibinigay ko sa mga maling taong inakala kong sila na ang nakatadhana para sa akin. Yung mga taong akala ko kami na hanggang dulo. Umaabot ako sa puntong nangangarap at umaasa na papunta na kami sa pagbuo ng libro na naglalaman ng kwento naming dalawa. Yung mala-fairy-tale na mayroong happy ending.

Pero ayun na nga, hanggang pangarap lang pala yun. Hanggang sa libro lang pala at pelikula ang mga ganung kaganapan. Napakalaki nga naman pala ng pagkakaiba ng idealismo at ng reyalidad. Minsan kasi sa sobrang hopeless romantic ko, akala ko tuloy, yung mga ideals ko eh realidad na, hindi pala. Kaya minsan, hinihiling ko na lang na maging bata ulit, yung mga panahong napakasimple lang ng buhay, tipong la ka na ibang inisip kundi maglaro, maging pasaway, matutulog, kakain, ganun lang. Hindi tulad ngayon na parang napakakumplikado ng lahat.

Heto, sa dinami-dami ng pinagdaan ko, bigla ko na lang naisip isang araw na nakakapagod din pala. Nakakapagod umasa na baka siya na, baka siya na ang magpapaligaya sakin, baka siya na ang makakasama ko habang buhay, na baka mayroon ngang forever. 🙂

At yun na nga sa sobrang pagod ko, sinabi ko na lang sa sarili ko na “tama na”, “tama na muna”. Bigyan ko na lang muna ng break ang sarili ko sa paghahabol ng mga taong dumadating sa buhay ko na hindi rin naman pala mananatili. Tama na muna ang paghahanap sa taong nakatadhana para sakin, kasi baka nga naman hindi pa siya pinapanganak, hahaha, o baka naman hindi pa talaga panahon para magkatagpo kaming dalawa.

Nandito ako sa parte ng buhay ko na hinahanap yung sarili kong nawala noong mga panahong nagmahal ako ng mga maling tao. Ibabalik ko lang sa sarili ko ang lahat ng mga bagay na nawala dahil sa pagiging abala ko sa mga maling bagay at maling tao; oras, kaibigan, pamilya, at kung anu-ano pa, kailangan kong maibalik.

Nakakalungkot mag-isa pero ganyan talaga, di mo naman puwedeng ipilit kasi hindi pa nga ngayon ang tamang panahon. 🙂 Focus lang muna ako sa sarili ko. Sa career, sa pag-aaral, at sa madaming mga makabuluhang bagay. 🙂

Paminsan-minsan, medyo dumadaplis pa rin sa isipan ko yung mga panahong nasaktan ako, mga panahong sana di na lang ako nagmahal, madaming sana. Pero hanggang ganun na lang, di ko na maibabalik yung mga panahong iyon. Isama mo pa diyan ang takot at problema sa pagtitiwala sa mga taong nakikilala o maging sa mga kakilala ko, ewan ko ba, side effect siguro ito ng ano nga ba? Basta, hind ko na rin maipaliwanag, basta may ganung kaganapan, hahaha.

Pero, ang ending, eto masaya ako, busy akong magtrabaho ngayon, mag-aral, magtravel, maghiking, magphotography, magsulat, magblog, sumubok ng mga bagay na hindi ko pa nasusubukan sa buong buhay ko, kumilala ng mga bagong tao sa buhay ko, magreconnect sa mga kaibigang iniwan ko, at marami pang mga importanteng mga bagay na pwede kong pagtuunan ng pansin.

Sa ngayon, kung dumating man siya, ewan. 🙂 Sabi nila mararamdaman mo daw yun eh, yun nga lang, ano nga bang pakiramdam kung siya na ba talaga yung nasa harapan mo? Hindi ko din alam. Ayaw ko na munang isipin, medyo masakit sa ulo. Pero heto, masaya na ako. Masaya na muna akong ganito. 🙂

©18Megapixel
2017

Advertisements

44 thoughts on “Bakit Nga Ba Ako Single?

  1. Dumating din ako sa point na ganyan, nakakabwisit na lagi kang tatanungin ng mga kaibigan mo kung kelan magkakaboyfriend at bakit pa single. Hinayaan ko lang, nagsawa din sila magtanong.

    Enjoy mo lang ung buhay mo — work, travel, family, friends. Darating na lang sya, ganyan nangyari sa akin e. Dumating, tas ayun, sya na pala. 🙂

    Liked by 1 person

  2. Nauunawaaan kita at nakakarelate ako sau. At bilib ako sayo dahil matatag ka. Matatagpuan mo rin ang taong para sayo. Minsan di mo kailangan hanapin, dumarating nalang ng kusa sa mga panahong di mo inaasahan. 🙂 Nice blog. Love it.

    Liked by 2 people

  3. wow! Napaka husay. #HugotKungHuhot haha
    I’ve been there also 🙂 Tama ka naman eh. The right person will come at the right time at madalas, unexpected talaga yung pagdating nila. Yung tipong minsan iniisip mo, malabo maging kami nito until one day, magugulat ka na lang, Uy kami na pala. Uy ang tagal na rin pala namin hanggang sa malay mo, malay natin, mauwi sa.. Uy, pang habang buhay na nga ❤

    Just keep on praying and next time, pag may nagtanong ulit sa'yo kung bakit single, sagutin mo ng ganito:

    "Hindi mo pa kasi ako sinasagot kaya eto, single pa rin ako." Charaught! Haha.

    Liked by 2 people

  4. “:bakit ako single?”. Dami kasing tanong ng mga tao, minsan nakakapagod ding sagutin. Kasalanan ba maging single? Bakit kasi yung mga single lang ang tinatanong? Bakit di nila tanungin ang may mga kasintahan? Kelan kayo magiging single?”- naaliw ako sa part na to! bakit ba? bawal maging single?! haha. kidding aside, this is nice. I guess, the very thing to do at this moment is enjoy the moments of being single. And perhaps, when the time is right, you’ll meet her. Baka ma-meet nyo po daw kasi sa travel o sa photo walk. Hehe.

    Liked by 2 people

  5. Nice! ❤

    “Sabi nila mararamdaman mo daw yun eh, yun nga lang, ano nga bang pakiramdam kung siya na ba talaga yung nasa harapan mo?”
    — Di ata totoo ung “mararamdaman mo na siya na”. Dun mo lng ata malalaman na siya na kapag nagtagal tlga kayo ng 50yrs? Hahaha ewan. Feel ko lng. There will always be uncertainty kahit gano niyo pa ka gusto ung isat-isa. Siguro lang, depende na un sa tao kung gagawin niyo ang isat-isa na “siya na”/”siya lang” . Weee ~

    Liked by 1 person

  6. Sa ating buhay ay nagdudulot sa atin ng Diyos sa puntong iyon ng pagiging walang asawa para sa layunin ng paghahanap ng Kanya. Kapag nahanap natin Siya nakita namin ating sarili. Kapag nakita namin ating sarili ay handa na upang makahanap ng ibang tao namin. Pagkatapos kami ay matugunan ang isa na ay magiging isang tunay na kasosyo upang ibahagi buhay sa.

    Liked by 1 person

  7. One real thing for all mankind – heartbreaks. True love comes unexpectedly, iba ang oras natin sa oras ng Diyos 🙂 GOD has always the mysterious way to prepare us, not for the better person, but for the best one! 🙂 Don’t settle for less than He has given, sometimes, the past shouts for a learning and also a fuel to move on life, to refocus. 🙂 Been there, done that. Love is full of uncertainties that is why hope, faith and joy is enclosed with it. 🙂 Aja!

    Thanks for sharing Michael! Stay courageous. Travel more! Share more!
    I’m not promoting my own but I remember this one blog I’ve written, naka-relate lang po. hoho. https://indeliblelines.wordpress.com/2015/12/09/to-the-one-who-broke-my-heart/

    Liked by 1 person

    1. Yes! 🙂 Have you read the reply of Rhea Angeline to your message sa PSA? 🙂 We have read your long message. 🙂 Pakinggan mo yung 6 degrees of separation by the script. Bakit ko nga ba ineendorse yang kanta? hmmm pag heartbroken kasi ako naghahanap ako ng sad songs or something na nakakarelate sa pain ko.. 😀 hanggang sa magsawa ako. hanggang sa magsawa yung sakit na magstay sa puso ko. 🙂

      Liked by 1 person

  8. Mala spoken word poetry ang peg nito. Habang binabasa ko, iniimagine kong nirerecite mo sa stage. Hahaha. So much #feels OMG. Hay. Wag kang mapagod magmahal – yes, rhea, talk to yourself. LOL. Lagi nilang sinasabi sakin, pag dumating na yung taong talaga namang magpapakilig sakin, mawawala lahat ng takot kong magmahal muli. Hintayin ko ang sayo! (Hashtag. LOL)

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s